Powered by Bravenet Bravenet Blog

Tag Board

This tag board is currently empty.

Please type in the four characters shown in the black box.

Friday, March 23rd 2007

2:21 PM (1773 days, 5h, 7min ago)

The Senior's Last Dance

whoo.. makalipas ang 4 na taon, gagraduate na tau, haha.., medyo malungkot, pero kailangan talagang magpatuloy sa makamundong paglalakbay (yuck?).

madami na ring pangyayari sa buhay natin sa hayskul, tlagang mahirap kalimutan. mga friends, enemies, terror titsers, mga genius, ang barkada (na tumitira ng alkohol..), ang mga karibal sa ating syota (putcha, syota mo na, inaagaw pa?), at ang mga clasmeyts mong nanjan lagi para kopyahan ka, or else, ikaw ang nangongopya sa kanila.

nandyan din ang mga skul crushes, or, crashes, na nagpapaligaya sa bawat sandali na sila'y iyong nakikita. nakakatawang isipin na parang napakabilis ng mga sandaling lumipas; akala mo, kahapon ka lang pumasok ng 1st year. hindi na ako magtataka kung lahat tayo'y nabitin sa highschool, pwede bang gawing 5 years man lang?

araw2 iniisip ko kung paano aq makakatulong para hndi na tayo magkahiwa-hiwalay, dahil sadyang malungkot ang mga huling araw na darating para sa mga seniors ng SMNHS.

matagal din tayong nagsama-sama mga kaibigan, ngunit ngayo'y kailangan na nating maghiwa-hiwalay. sana'y magkita-kita pa tayo sa Alumni Homecoming. this is 1st class liutenant jiggy, a senior, now signing off.

44 Comment(s) / Post Comment